Laro ngayon

(Ynares Sports Arena)

3 n.h. -- Tanduay vs UP-QRS/JAM Liner

Paglalabanan ngayon ng Tanduay Rhum at UP QRS/JAM Liner ang huling Final Four spot sa natatanging laro ngayong hapon sa 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup, sa Ynares Sports Arena.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Ang magwawagi sa Rhum Masters at Maroons ang makakaharap ng Café France sa best-of-three semifinals.

Para kay coach Lawrence Chongson, wala nang ipapatalo pa ang Tanduay.

“What’s left to be nervous about? Yung isang paa namin, out of the door na nga eh. Might as well plug all the holes and give it our best shot,” ani Chongson.

Naipuwersa ni Val Acuna ang deciding game sa pamamagitan ng isang 3- pointer sa nalalabing 2.5 segundo ng Game One na natapos sa iskor na 68-66.

At pakiramdam ni Chongson, nakakahinga na sya ng maluwag dahil patas na sila ng Maroons.

“Naubos na yung nerbyos ko. Ngayon, pareho na kaming one foot out of the door,” anito.

Hindi pa umaabot ang Tanduay sa D-League semifinals simula nang lumahok sila noong 2013 Foundation Cup.

Sa kabila ng pagkatalo, naniniwala si UP QRS/JAM Liner coach Bert dela Rosa na nakakalamang pa rin ang kanilang koponan.

“Nawala yung composure namin ng second half kaya yung lead namin nabawasan,” ani De la Rosa. “Also, nagkaroon ng miscommunication sa ply.”

“Pero positive pa rin kami,” aniya. (Marivic Awitan)