Marso 17, 1901 nang pasinayaan ang mga obra ni Vincent van Gogh na binubuo ng matitingkad na kulay at matitinding brushstroke sa Bernheim-Jeune Gallery sa Paris, France.

Si Van Gogh ay nagsilbi bilang isang evangelist, bookseller, at language teacher bago tuluyang naging artist. Mula 1880, ibinuhos niya ang kanyang mga oras sa pagpipinta at pagkukulay. Kumuha siya ng kurso sa pagguhit sa Brussels Academy.

Sa kanyang 1887 painting, “Portrait of Pere Tanguy,” ay isa sa mga sikat niyang obra. Nakumpleto naman niya ang “Starry Night” noong 1889.

Noong Hulyo 1890, binaril ni Van Gogh ang kanyang sarili na naging dahilan ng kanyang pagkamatay dahil sa sakit sa utak. Sa buong buhay ni Van Gogh, aabot sa mahigit 2,100 obra ang kanyang nagawa, at mahigit 1,300 sa mga ito ay watercolors at drawing, at 860 naman ang oil painting.

Human-Interest

Dating tindero ng isda sa Quiapo, sikat na filmmaker na sa Dubai!