Dahil walang inilabas na temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) nitong Martes, may mandato ang mga educational institution na ipatupad ang K-12 enhanced education program na nagdadagdag ng dalawa pang taon sa high school.
Sinabi ni SC Spokesman Theodore O. Te na nagpasya ang kataas-taasang hukuman na hindi na maglabas ng TRO o preliminary injunction laban sa Kto12 program, sa idinaos na full court session nitong Martes.
Sa kanilang pleadings, sinabi ng karamihan ng mga petitioner sa SC na dapat ipatigil ang enhanced program hanggang sa matugunan ang mas mahahalagang problema, gaya ng kakulangan sa silid-aralan at iba pang pasilidad, kakapusan sa textbooks, bukod pa sa mababang suweldo ng mga guro.
Ipinunto ng Korte Suprema na unconstitutional ang K-12 program dahil nilalabag nito ang 1987 Constitution, partikular ang Section 16, Article XIII na naggagarantiya sa karapatan ng mamamayan na makilahok sa social, political at economic decision-making process, dahil karamihan sa maaapektuhan ng implementasyon ng programa, partikular ang mga estudyante, guro, at non-academic personnel, ay hindi kinonsulta o inimbitahan na makilahok sa pagbabalangkas ng programa. (Rey G. Panaligan)