Hindi dapat pabayaan o abandonahin ang nakatatanda at may kapansanan.
Ito ang binibigyang diin ng House Bill 6460 o “Care for the Elderly and the Disabled Act” na inakda ni Rep. Alfredo D. Vargas III (5th District, Quezon City) na nagpapataw ng matinding parusa sa mga nagpabaya o nag-abandona sa nakatatanda at persons with disabilities (PWD).
Ang mapatutunayang nagkasala sa batas na ito ay mabibilanggo ng isa hanggang limang taon at magmumulta ng P10,000 hanggang P100,000. (Bert de Guzman)