“Resign now!”

Ito ang iginiit ng daan-daang taxi-driver sa pagnanais na magbitiw sa puwesto si Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez, kasabay ng kilos-protesta kahapon sa harapan ng tanggapan ng nasabing ahensiya.

Tinututulan ng mga taxi driver ang ipinatutupad na P30 taxi flag-down rate.

Sinabi ng mga tax-driver na karamihan sa kanila ay lumahok sa protesta dahil apektado ang araw-araw nilang kita sa flag-down rate adjustment.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Anila, dahil sa naturang hakbang ng LTFRB ay aabot sa P1,000 ang mawawala sa kanilang pang-araw-araw na kita sa pamamasada.

Aabot sa P40 ang dating flag-down rate sa taxi.

Ayon sa kanila, dapat nang mag-resign si Ginez bilang chairman ng LTFRB dahil “hindi umano nito isinaalang-alang ang kapakanan ng mga driver”.

Lumikha naman ng matinding trapiko sa East Avenue, partikular na sa harapan ng LTFRB, dahil sa ilang oras na protesta ng mga driver. (Rommel P. Tabbad)