Patay ang isang lalaki matapos barilin ng kapitbahay nito habang karga ang anak sa Caloocan City, noong Martes ng gabi.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center si Rizaldy Suliman, 41, ng No. 217 FD Yabut Street, 7th Avenue West, Barangay 52, ng nasabing lungsod, dahil tama ng cal. 38 sa ulo.

Kinilala ang tumakas na suspek na si Ernie Malaya, alyas “Pusa.”

Ayon sa report, bandang 9:25 ng gabi, umiinom ng beer si Suliman habang karga ang dalawang taon gulang na anak na lalaki sa harap ng Ester store sa Galauran Street cor. Briones Street, ng nasabing barangay.

Gerald Anderson, lumusong sa baha para tumulong sa rescue

Biglang sumulpot ang suspek na nakasakay sa motorsiklo at itinutok ang baril sa ulo ng biktima na nagsabing, “hindi mo kayang iputok ‘yan.” Nagulantang ang ibang naroroon nang pumutok ang baril at bumulagta si Suliman.

(Orly L. Barcala)