BRUSSELS (Reuters) – Napatay ng Belgian police ang isang gunman matapos masugatan ang ilang opisyal noong Martes sa raid sa isang apartment sa Brussels na iniugnay sa imbestigasyon sa Islamist attacks sa Paris noong Nobyembre, iniulat ng public broadcaster na RTBF. Dalawa pang suspek ang pinaghahanap.

Sinabi ng Belgium federal prosecutor na nagkulong ang dalawang suspek sa apartment at pinaulanan ng baril ang pintuan habang paparating ang mga pulis. Apat na pulis ang nasugatan, ayon sa media.

Iniulat ng pahayagang DH na isa sa mga suspek ang nabaril at napatay matapos maispatan ng isang police helicopter sa katabing bakuran.

“This operation is connected to the Paris attacks,” sinabi ng isang tagapagsalita ng federal prosecutor.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina