Ang lahat ng hinihinalang kaso ng Zika virus ay dapat na iulat sa loob ng 24-oras bilang bahagi ng Philippine Integrated Disease Surveillance and Response (PIDSR) system ng bansa, ayon kay Department of Health (DoH).

“The DoH through the Epidemiology Bureau (EB) disseminates strengthened guidelines on surveillance of Zika Virus disease. DoH will now include Zika Virus under Category 1 Classification on the Philippine Integrated Disease Surveillance and Response system. This means that all suspected cases of Zika virus diseases shall be reported within 24 hours to the Epidemiology Bureau (EB) through the Regional Epidemiology Surveillance Units (RESU) in the country,” sinabi ni Health Secretary Janette Loreto-Garin.

Kabilang sa mga pinagsususpetsahang kaso ng Zika virus ang mga mahigit dalawang araw nang may lagnat na 38 degrees centigrade, may conjunctivitis, may mga pantal sa balat, masakit ang ulo, sumasakit ang mga kalamnan at kasu-kasuan, nanghihina, at kumikirot ang likod ng mata. Kabilang din sa mga posibleng kaso ng Zika ang kabibiyahe lang mula sa bansang may kumpirmadong kaso ng Zika virus, at mga may history ng Guillain-Barre syndrome o pansamantalang pagkaparalisa.

Ang lahat ng pinagsususpetsahang kaso ay susuriin sa Zika virus gamit ang testing kit na Real-time Polymerase Chain Reaction (RT-PCR).

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Pebrero 1 ngayong taon nang ideklara ng World Health Organization (WHO) ang Zika virus bilang isang Public Health Emergency of International Concern dahil sa hinalang may kaugnayan ito sa microcephaly, o sa pagliit ng ulo at utak ng sanggol na isinilang ng babaeng dinapuan ng Zika virus. (Charina Clarisse L. Echaluce)