DAHIL sa hindi man lang naka-two percent sa ratings, kinumpirma sa amin ng aming kaibigang TV5 insider na tatapusin na ang Bakit Manipis Ang Ulap, ang balik-teleserye ni Claudine Barretto.

Ayon sa source namin, may natitirang isang linggong taping na lang si Claudine at ang mga kasamahan sa nasabing serye.

Tila aware naman na raw ang cast dahil pinag-uusapan na ito ng staff and crew.

“Kahit na maganda ang promo at bongga ang launching ng show, eh, hindi naman talaga kinagat ng televiewers. Maganda naman ang casting, bukod kay Claudine, may Cesar Montano, Diether Ocampo at kasama pa si Meg Imperial.

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

“Sino kaya sa kanila ang jinx?”napatawa pang dagdag ng source.

Obserbasyon ng kausap naming, tila hindi magandang pagsamahin sa project ang mga artistang bihira nang mapanood sa TV man o sa pelikula.

Samantala, from the same source ay nalaman naming inihahanda na ng Viva Communications, Inc. ang ipapalit nila sa Bakit Manipis Ang Ula. Mas bongga raw ang casting nito, huh! (JIMI ESCALA)