Nagbigay ng huling papugay kahapon ang mga dati at kasalukuyang senador ng bansa sa namayapang si dating Senate President Jovito Salonga na inilarawan nilang âa humble but strong leader who played a big role in restoring democracy in the country.â
Sa necrological services na ginanap sa punuang Session Hall ng Philippine Senate sa Pasay City, ginunita ni Senate President Franklin Drilon si Salonga â[for] courageously walking through the valley of shadow and death to help restore democracy in our country.â
âThis morning, with hearts gripped by profound sorrow, we are gathered in this august chamber to pay our last respects to a great statesman whose uncommon valor, brilliance and integrity captivated generations of Filipinos,â pahayag ni Drilon.
âHe set the standard for public service by leading a simple life marked by honor, humility and integrity,â dagdag ng Senate president.
Iprinisinta ng Senado sa pamilya Salonga ang Senate Resolution No. 118 na nagpapahayag ng kanilang simpatiya sa pagyao ng mambabatas.
Bukod kay Drilon, ang iba pang incumbent senator na dumalo ay kinabibilangan nina Senators Loren Legarda, Sergio Osmena III, Vicente Sotto III, Paolo Benigno âBamâ Aquino IV, Cynthia Villar at Juan Edgardo âSonnyâ Angara.
Nagbigay din ng kanilang paggalang sa dating kasamahan sina dating Senators Leticia Ramos-Shahani, Wigberto Tañada, Edgardo J. Angara, Aquilino Pimentel Jr., Heherson Alvarez, Rene Saguisag, Alfredo Lim, Teofisto âTitoâ Guingona Jr., Victor Ziga, Santanina Rasul, Rodolfo Biazon, at Jose Lina.
Si Salonga, masugid na kritiko ng Martial Law at nangampanya para patalsikin ang U.S. military bases sa bansa, ay namatay dahil sa cardiac arrest sa Philippine Heart Center noong Huwebes. Siya ay 95.
Binansagang âNationâs Fiscalizer,â si Salonga ay naging Senate President mula 1987 hanggang 1991. Nahalal siya sa ilalim ng tatlong administrasyon -- Diosdado Macapagal, Ferdinand Marcos at Corazon Aquino. (PNA)