Inilabas na ng pamunuan ng Ospital ng Makati (OsMak) ang resulta ng pagsusuri sa bilanggo sa Makati City Jail na nasawi sa marahas na crackdown sa mga nagprotestang preso noong Marso 9.

Ayon sa OsMak, binawian ng buhay bago idating sa pagamutan si Arnold Marabe dahil sa “acute respiratory failure due to pneumothorax” o pagputok ng kanang bahagi ng kanyang baga. Bukod dito, may malaking pasa sa ulo, dahil sa malakas na paghampas ng matigas na bagay, si Marabe.

Unang inihayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na namatay si Marabe dahil sa iniindang tuberculosis (TB) at asthma, habang ang mga pasa nito sa katawan ay bunsod ng kaguluhan sa pasilidad sa gitna ng dispersal ng mga bilanggo.

Pinag-aaralan na ni Commission on Human Rights (CHR) Forensic Center head Dr. Joseph Jimenez ang nasabing medical abstract na inilabas ng OsMak. (Bella Gamotea)

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko