Maricar-Reyes-Richard-Poon copy

NAKATSIKAHAN namin si Richard Poon (RP) sa pictorial nila ni Richard Yap para sa concert nila sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Agosto.

 

Magtatatlong taon nang kasal sina Richard at Maricar Reyes at hindi pa nabibiyayaan ng anak.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Nagta-try naman kami after the second year, there was a time na na-delayed na siya, pero after mga four or five days, nagkaroon siya, sayang,†kuwento ni RP.

 

Sabi ng iba, kapag nahihirapang makabuo ay maaaring parehong pagod o kinakailangang magpa-check-up at baka may kailangang gawin o bitaminang kailangang inumin.

 

“Ako, hindi pa (nagpapa-check-up). Siya, nagpa-surgery siya a year and a half ago dahil may ovarian cyst siya na hindi nawawala, so kailangang tanggalin, after two or three opinions. Siya pa lang ‘yung nagpatingin, ako hindi pa.â€

 

Wala naman daw apekto ang tinanggal na ovarian cyst kay Maricar para hindi sila mabiyayaan ng anak.

 

“Hindi naman daw. May isang doktor na nagsabing maganda raw mag-take ng folic acid (vitamin B) other than that, wala naman na,†say pa ng big band crooner.

 

Samantala, kapag hindi busy si Richard ay katuwang siya ni Maricar sa kanilang cake business.

 

“Iyon kasi ang pangmatagalan, alam ko na malaki pa ang ilalaki niya, alam ng mga negosyante ‘yan, kaya lang dahan-dahan muna. Ngayon, wala pa kaming physical store, puro pick-up point muna, so far okay naman. Pero within the year baka mag-set up na kami ng store, ‘tapos may bago na naman kaming lalabas na (flavor), it’s mocha bourbon, pero may alak din tulad ng chocolate cake namin.â€

 

Wine ba ang trademark ng cakes ni Maricar?

“Oo, para maiba kasi ‘yung iba, pare-pareho na lahat ng cake, eh,†pag-amin ni RP. 

 Hindi ba malayo ito sa kursong tinapos ng misis niya, bilang doktora at pasado sa medical licensure exam noong 2008?

 

“Di ko alam, mahilig siya sa sweets, eh, sweet tooth siya. Natuto nga akong mag-dessert dahil sa kanya, ‘tapos ako ‘yung nag-aayos ng formula nu’ng chocolate, ‘tapos tinikman ko, ina-adjust ko. So, ‘yun ‘yung lumabas na lasa nu’ng chocolate cake namin,†nakangiting kuwento ng proud hubby ni Maricar.

 

Hindi dating mahilig si Richard sa matamis.

“Ano lang, matalas ang dila ko, pero wala akong amor maysado sa sweets, eh, siya mahilig siya sa sweets so ‘pinatikim niya sa akin. Sabi niya, ‘ito ang gusto kong gawin, ayokong magdoktor, gusto kong mag-bake’. So sabi ko, sige, mag-bake ka.

 

“Hindi naman pormal ‘yung training ni Maricar sa baking, nagpaturo kami sa kaibigan naming pastry chef, ‘paturo siya sa isang professor ‘tapos in-adjust na namin ‘yung cake. Ngayon okay na, gustung-gusto na ng tao. ‘Tapos ngayon nga, may bago na kaming lalabas in one or two months, mocha bourbon,†kuwento ni RP.

 

Tinanong din namin siyempre siya tungkol sa concept ng concert nila ni Papa Chen.

 

“Hindi ko pa masyadong alam lahat ang detalye, pero siya, more on pop crooning na nasa 80’s o 90’s. Ako naman, swing pa rin ‘tapos kakanta ako ng Chinese song, hindi ko lang sure kung kakanta rin siya. Parang ako lang yata. Pero may duet kami ng Beautiful Girl na ako ‘yung kakanta ng Chinese, ‘tapos siya ang English lyrics.

 

“Okay na para maiba naman dahil pareho kaming Chinese at may market din kaming Chinese, may Pinoy din, pero feeling ko, may mga supporters siyang more on Chinese,†kuwento ni RP.

 

Nagulat kami nang banggitin ni Richard na hindi na pala siya regular sa ASAP 20. Hindi namin natututukan ang show kaya hindi naming alam na wala nang Sessionistas na kinabibilangan ni Richard.

 

“Ano ka ba, wala nang Sessionistas. Ang pumalit doon, love songs stories na. Saka paiba-iba ‘yung singers, iniikot, si Jolina (Magdangal) lang ‘yung nagna-narrate at sa ‘LSS’ na segment, paiba-iba.

 

“Saka hindi na rin mabubuo ang Sessionistas kasi wala na si Aiza (Seguerra), haligi ‘yun, eh, hindi puwedeng wala ‘yun,†katwiran sa amin.

 

Mabenta pa rin si Richard sa corporate events kahit wala siyang masyadong exposure sa telebisyon ngayon.

(Reggee Bonoan)