Umalagwa na si Senator Grace Poe at nabawi ang Number One slot sa huling presidential survey ng Pulse Asia habang ang dating kagitgitan niya sa puwesto na si Vice President Jejomar Binay ay dumausdos sa ikatlong puwesto.

Ayon sa Pulse Asia survey, na kinomisyon ng ABS-CBN nitong Marso 1-6 at sinagutan ng 2,600 rehistradong botante, nakakuha si Poe ng 28 porsiyento habang si Binay ay may 21 puntos.

Sa survey nitong Pebrero, naggitgitan sina Poe at Binay sa unang puwesto na mayroong 26% at 24%.

Tatlong puntos ang natapyas kay Binay sa huling survey.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Umakyat naman sa pangalawang puwesto si Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos makakuha ng 24% sa voter preference mula sa 22% nitong Pebrero.

Nakabuntot kay Binay sa ikaapat na puwesto si dating Local Government Secretary at ngayo’y Liberal Party standard bearer Mar Roxas, na may 20% mula sa dating 19%.

Samantala, nasa ikalimang puwesto pa rin si Sen. Miriam Defensor Santiago na nakakuha ng 3%.

Limang porsiyento ng mga rehistradong botante ang hindi pa nakapagdedesisyon kung sino ang kanilang iboboto sa pagkapangulo. (ELLALYN B. DE VERA)