Agad na pinatawan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 30 araw na suspensiyon sa operasyon ang Starlight Express Bus matapos masangkot kamakailan sa madugong aksidente ang isang unit nito sa Zamboanga del Sur, na ikinamatay ng limang katao at ikinasugat ng mahigit 30 iba pa.

Marso 12 nang mangyari ang aksidente sa national highway sa Sitio Alang-alang, Barangay Poblacion, Ramon Magsaysay, Zamboanga Del Sur.

Sinasabing nagkaroon ng problema sa makina ang nasabing bus na nagpasimula sa karambola sa dalawang pribadong sasakyan.

Kaugnay nito, binalaan ni LTFRB Board Member Ariel Inton ang mga bus operator at driver na magsagawa ng regular bus check up at maintenance check bago umalis sa garahe, partikular na ngayong libu-libo ang bibiyahe para gunitain ang Kuwaresma sa mga lalawigan. (Jun Fabon)

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya