KAISA ako ng bansa, kasama ang aking pamilya, sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng isang haligi ng demokrasya at maprinsipyong pulitika. Hindi mapapantayan ang dedikasyon at paglilingkod ni Jovito R. Salonga, dating pangulo ng Senado, sa bayan.

Ang kanyang pangunguna sa pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas, gaya ng sa kaso ng Sabah at sa base militar ng US, ay mga palatandaan ng kanyang maningning na karera sa paglilingkod sa bayan.

Salamat, Ka Jovy.

***

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Hindi kataka-taka na ang publiko ay nakatutok sa mga kandidato sa pagkapangulo, pero sana naman ay huwag kaligtaan ng mga botante ang halalan sa pagka-pangalawang pangulo.

Sa aking pananaw, mahalaga ang posisyon ng bise presidente, kaya nga ang itinakda ng Saligang Batas na kuwalipikasyon ng bise presidente ay pareho ng sa pangulo.

Ang bise presidente ang una sa hanay ng hahalili sa pangulo kung ito ay mamamatay o magbibitiw.

Gaya ng alam ng lahat, tatlo sa mga miyembro ng Nacionalista Party ang tumatakbo sa pagka-pangalawang pangulo sa Mayo 9: sina Senators Alan Peter Cayetano, Ferdinand Marcos, Jr., at Antonio Trillanes IV.

Bukod sa kanila, tumatakbo rin para sa nasabing posisyon sina Senators Francis Escudero at Greg Honasan, at si Rep. Leni Robredo.

Si Alan, na ang naging inspirasyon ay ang kanyang ama, si Senador Renato “Compañero” Cayetano, ay nakilala sa paglaban sa katiwalian. Ipinakita niya ito sa kanyang pangunguna sa Senate Blue Ribbon Committee nang imbestigahan ang multi-milyong dolyar na kontrata ng NBN-ZTE (at naging sanhi ng pagpigil dito).

Si Bongbong naman ay may 25 taong karanasan sa serbisyo publiko.

Si Sonny Trillanes man ay naglingkod nang mabuti sa bayan. Mula sa PMA, umanib siya sa Navy at nakilala sa pagliligtas sa mga pasahero ng M/V Princess of the Orient.

Ginamit din ni Sonny ang kanyang katapangan sa paglaban sa katiwalian sa militar at sa pamahalaan.

Si Honasan ay maginoo at makabayan. Hindi matatawaran ang kanyang pag-ibig sa bayan bilang kawal, at tumanggap ng maraming parangal gaya ng tatlong Distinguished Conduct Stars, Gold Cross Medal at Wounded Personnel Medal. Sa Senado, nakilala ko si Greg bilang isang tapat na tagapagtanggol sa kalikasan, reporma sa lipunan, mabuting pamamahala, seguridad, edukasyon at kabataan.

Sa kabila ng kanyang kabataan, mahaba ang karanasan ni Escudero sa serbisyo publiko. Sa gulang na 28 ay nahalal siya bilang kinatawan ng unang distrito ng Sorsogon.

Sa aking pananaw, ang anim na kandidato sa pagka-pangalawang pangulo ay kumakatawan sa kinabukasan ng pulitika sa Pilipinas. Bata, masigasig, dedikado at may kakayahan, binibigyan nila ng mataas na uri ng pagpipilian sa darating na Mayo. (MANNY VILLAR)