NANANATILI pa ring tikom ang bibig ng ex-lovers, ayaw nilang magsalita kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

 

Pero nadulas ang taong nakakaalam sa nangyari sa likod ng hiwalayan ng ex-lovers at ang itinuturong dahilan ay ang… hold your breath for a second… ang aktor na sikat sa kanyang henerasyon.

“Grabe pala masaktan si _____ (aktres),” simulang kuwento ng source sa amin, “talagang papalahaw siya ng iyak sa mga kaibigan niya lalo na kung may kasamang galit na.

'Crossover ng BQ at PS?' Piolo, Coco magsasama sa isang proyekto

 

“Kuwento ni _____ (aktres), may date sila ni _____ (aktor), ‘tapos biglang nag-cancel si _____ (aktor) dahil masama raw ang pakiramdam at kesyo mataas ang lagnat.

 

“So, si _____ (aktres), nag-alala. Kaya ang ginawa niya, namili siya ng mga pagkain at ng kung anumang alam niyan kailangan ni _____ (aktor) para gumaling ito, kasi wala yatang kasama si _____ (aktor) sa condo.

 

“Eh, may sariling susi si _____ (aktres) kaya dire-diretso siya sa unit at para i-surprise na rin si (aktor). Heto na, siya ang na-surprise kasi nakita niya ang dyowa niya lumabas ng banyo kasi naligo. Ask nga niya, ‘Bakit ka naligo, may sakit ka di ba?’ Nanlaki ang mga mata ng lola mo kasi lumabas din ng banyo at bagong shower din si _____ (isa pang aktor).

 

“Hayun, gulat na gulat si _____ (aktres). Ang nasabi na lang niya, ‘Sabay kayo naligo? Bakit?” At hayun, nagtatakbo nang palabas ng unit at dahil tuliro at iyak nang iyak, napadpad siya sa bahay ng mga kaibigan niya na takang-taka naman dahil hindi siya makapagsimulang sabihin ang natuklasan niya.

 

“Nang mahimasmasan, sa sobrang pagka-depress niya at na-shock talaga, ikinuwento niya nang buung-buo ang nakita. ‘Yun nga lang, dahil hindi na siya naging aware kung sinu-sino ang mga taong nakapaligid at nakarinig ng kuwento niya, ang ending kumalat na.

 

“Kaya si _____ (aktor), walang mukhang maiharap kay ____ (aktres) dahil nga hiyang-hiya siya. Pati nga rin si _____ (aktor na nahuling kasama sa shower), umiiwas na kay _____ (aktres).”

 

Hmmm, kaya pala minsan tinanong ko si _____ (aktres) kung bati na sila ng ex-boyfriend niya, tutal nasa iisang network naman sila, ang kaswal na sagot sa amin, “hindi.”

 

‘Yun pala ang dahilan.

 

Kaya namin ito sinulat dahil naalala namin na halos ganito rin ang senaryo kung bakit nahiwalay si Sikat Na Aktor sa kanyang henerasyon nang i-surprise visit din siya ng dati niyang girlfriend na naloka rin sa inabutan dahil may ibang aktor din siyang kaulayaw sa kaligayahan.

 

Kaya ang girlalu, nag-iiyak ding bumaba ng building at tumakbo rin sa mga kaibigan niya.

 

History repeats itself, as in, dahil ang ex-boyfriend ni Aktres na nahuling sabay nag-shower at ang sikat na aktor sa kanyang henerasyon, sila rin ang magkasama noong una.

 

Sa madaling salita, pangmatagalan o may forever sina aktor at sikat na aktor sa kanyang henerasyon kasi pabalik-balik, eh.

 

Ayaw ko na, Bossing DMB, hinto na muna tayo rito, kasi baka masulat ko na ang mga pangalan nila.

 

Anyway, super happy na ang aktres sa bagong karelasyon na aktor ngayon dahil behave at masikap sa trabaho, kaya naman naibibigay nito ang lahat para sa kanya. (Reggee Bonoan)