BEIJING (Reuters) – Magpapakawala ang China ng tubig mula sa isang dam nito sa timog kanlurang probinsiya ng Yunnan upang maibsan ang tagtuyot sa ilang bahagi ng Southeast Asia, sinabi ng Foreign Ministry nitong Martes.
Pakakawalan ang tubig hanggang sa Abril 10 mula sa Jinghong dam, inihayag ni ministry spokesman Lu Kang.
Makikinabang dito ang Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand at Vietnam.
Umaasa ang China na makatutulong ito “in alleviating the drought downstream”, aniya.
Ayon sa Vietnamese media, may 140,000 ektarya ng Mekong Delta ang nasira na ng matinding tagtuyot at tinatayang 600,000 katao ang nahaharap sa kakulangan ng inuming tubig.