Muling nagpaalala ang Manila City Government laban sa paliligo sa Manila Bay.

Sinabi ni Manila City Government acting health officer Dr. Ben Yson, may umiiral na ordinansa ang lokal na pamahalaan na nagbabawal sa paliligo sa Manila Bay dahil sa mapanganib na coliform level sa tubig nito.

Idinagdag niya na may halong dumi ng tao ang tubig sa Manila Bay na makakasama sa kalusugan. “May konting halo ng dumi ng tao. Ang coliform organism sa Manila Bay lagi siyang medyo risky level,” ani Yson.

Binanggit ng doktor ang ilang panganib na maaaring makuha sa paliligo sa Manila Bay gaya ng pagkakaroon ng sakit sa balat, typhoid fever, Hepatitis A, cholera at malalang pagtatae o diarrhea. (Mary Ann Santiago)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador