Inaprubahan kahapon ng Supreme Court (SC) ang hirit ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) upang maipagdiwang ang kanyang kaarawan sa Abril 5, kasama ang kanyang pamilya, sa kanilang bahay sa La Vista, Quezon City.

Subalit sa halip na limang araw—Abril 3-7----na unang inihirit ng dating Pangulo, tatlong araw na furlough lamang ang inaprubahan ng kataas-taasang hukuman.

“In the matter of G.R. No. 220598 (Gloria Macapagal-Arroyo v. People of the Philippines, et al.), the Court GRANTED petitioner’s request for a birthday furlough but only for three days, to be spent exclusively at her residence starting from 8:00 in the morning of April 4, 2016 to 5:00 in the afternoon of April 6, 2016,”pahayag ng tagapagsalita ng SC na si Atty. Theodore Te.

Nitong Disyembre 2015 ay pinayagan din ng Korte Suprema si Arroyo para makapiling ang kanyang pamilya para ipagdiwang ang Pasko, Disyembre 23-26, at Bagong Taon, Disyembre 30-Enero 2.

National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Naka-hospital arrest si Arroyo kaugnay ng kinahaharap na plunder case na may kaugnayan sa umano’y paglulustay ng P366-milyon pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office simula 2008 hanggang 2010. (REY PANALIGAN)