Umani ng suporta ang panawagan ng pagkakaisa ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa inilunsad nitong “Unity Caravan” sa Mindanao noong nakaraang linggo.

Ayon sa kampo ni Marcos, na tumatakbo sa pagka-bise presidente sa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL), bumuhos ang suporta para sa “Unity Caravan” sa Zamboanga del Sur, General Santos City, South Cotabato, North Cotabato, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao City, Zamboanga del Sur at Compostela Valley.

Sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) tabla na sa unang puwesto ng mga vice presidential candidate sina Marcos at Senator Francis “Chiz” Escudero.

Inendorso si Marcos nina Zamboanga del Sur Governor Antonio Cerilles at Pagadian City Mayor Tata Polmones sa ginanap na “Peace and Order Forum” na inilunsad ng party-list Katipunan Guardians Brotherhood (KGB) na idinaos sa Megayon Stage sa Dao, Pagadian City.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Kaya samahan ninyo ako sa kilusan na ito kung saan isusulong natin ang pagkakaisa ng lahat ng Pilipino na sa nagdaang mga panahon ay pinagwatak-watak ng politika. Sa pagkakaisa lamang natin malulutas ang ating mga problema,” panawagan ni Marcos. (Leonel Abasola)