PARIS, France (AFP) – Nailista ni South African Wayde van Niekerk ang kasaysayan bilang kauna-unahang runner na bumasag sa 10-second limit sa 100-meter, 20-second sa 200m at 44-second sa 400m, ayon sa world governing body IAAF nitong Sabado.

Nauna nang nalagpasan ng 400m champion ang dating marka sa dalawang mas mahabang distansiya bago niya naitala ang 9.98 segundo sa 100m sa Bloemfontein.

May tulong kay Van Niekerk ang legal 1.5m/s tailwind at 1300m altitude sa track oval.

Bago ang tagumpay, nailista ng 23-anyos ang personal best na 10.45 sa 100m noong 2011.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Ang kanyang personal best sa 200m ay 19.94 segundo habang ang kanyang PB sa 400m ay 43.48 na naitala niya sa world championship sa Beijing noong 2015.

Sa Rio Olympics sa Agosto, sasali lamang siya sa 400m.

"Wow!!! Truly grateful and humbled by the opportunity and talents the Lord has blessed me with. Finally reaching my childhood dream of sub 10," pahayag ni Van Niekerk sa kanyang Instagram account.

"Truly so blessed thank you to everyone supporting me with in my career. And all that's contributed to where I am today!!!"