Pinabagsak ng Our Lady of Lourdes Technological College-Cars Unlimited ang Microtel Plus, 93-75, habang pinataob ng New San Jose Builders ang Jamfy-Secret Spices, 77-73, sa 2016 MBL Open basketball championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Nanguna si dating Adamson University player Ivan Villanueva sa balanseng atake ng OLLTC-Cars Unlimited para sa kauna-unahang panalo sa torneo na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Bread Story, Dickies Underwear, PRC Coutiers at Gerry's Grill.

Nagtumpok si Villanueva ng 22 puntos.

Samantala, sumandal ang San Jose Builders sa mahusay na outside shooting upang sorpresahin ang Jamfy-Secret Spices team

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Hataw sina Renato Palogan at Mark Maloles na humugot ng pinagsamang 31 puntos para sa NSJBI na pinangangasiwaan nina manager Jomar Acuzar, consultant Jinino Manansala at coach Rainier Catpio.

Nanguna si Rene Boy Banzali para sa Jamfy sa kanyang 20 puntos.