Kinansela na naman kahapon ng Sandiganbayan ang pre-trial ng pork barrel fund scam case ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Ito ay matapos aminin ng prosecution at defense panel na hindi pa rin sila tapos sa pagmamarka ng makapal na documentary evidence na kanilang ihaharap sa korte.

Dahil dito, iniutos ni 5th Division Associate Justice Roland Jurado ang pagtatakda ng lingguhang preliminary conference upang mabigyan ng panahon ang magkabilang panig na matapos ang kanilang marking of exhibits.

Itinakda rin ng korte ang buong araw na preliminary conference kada Martes na magsisimula sa Marso 22 hanggang Hunyo 7.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Kaagad na ring itinakda ng hukuman ang pre-trial sa Hunyo 13. (Rommel P. Tabbad)