Naniniwala ang isang arsobispo ng Simbahang Katoliko na walang tunay na kalayaan sa pagboto ang mahihirap na Pilipino.

Ayon kay Lingayen- Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ito ang katotohanan na labis niyang ikinalulungkot.

Ipinaliwanag ni Cruz na dahil sa matinding kahirapan ay napipilitang kumapit sa patalim ang mahihirap at magbenta ng boto sa panahon ng halalan kapalit ng kaunting salapi, may maihain lamang sa hapag-kainan.

Natitiyak ni Cruz na hindi tunay na nadarama ng mga mahihirap na botante ang kanilang pambihirang kapangyarihan sa demokratikong bansa -- na mamili at magluklok ng karapat-dapat na lingkod ng bayan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The poor are not free, poverty and democracy are not co-existent. If you are poor, you are not free in a sense that you cannot vote for whom you like precisely because there is money for those who are willing to pay, you know the 3Gs… guns, goons and gold, hanggang ngayon naman magkakasama pa ‘yan. Come on let’s be real,” pahayag ni Cruz, sa panayam ng Radio Veritas ng simbahan.

Batay sa survey ng Social Weather Station (SWS), sa pagtatapos ng 2015, nananatiling 50 porsiyento o katumbas ng 11.2-milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap, na kadalasang nabibiktima ng vote buying at vote selling tuwing halalan. (Mary Ann Santiago)