Mga laro sa Huwebes

(Moro Lorenzo Field)

2 n.h. -- Ateneo vs UE

4 n.h. -- NU vs AdU

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ipinalasap ng defending champion Far Eastern University ang unang kabiguan sa De La Salle University, 1-0, sa UAAP Season men’s football tournament nitong Linggo sa McKinley Hill Stadium sa Taguig City.

Dahil sa kabiguan, naputol ang ratsada ng Green Archers na sinimulan ang season sa pamamagitan ng limang panalo at dalawang draw.

Isa sa mga paborito upang magwagi ng Rookie of the Year honor, naitala ni Rico Andes ang kanyang ikapitong goal sa season sa ika-71 minuto na nagsilbing match-winner.

Dahil sa kabiguan ng Green Archers, nakinabang din ang University of Santo Tomas na naungusan na sila sa pamumuno matapos ang naitalang 3-3 draw laban sa University of the Philippines .

Isinalba ng substitute na si Jayson Rafol ang Tigers nang itabla nito ang laro sa ika-88 minuto na nagbigay daan din para maagaw nila ang pamumuno sa natipong 18 puntos kontra sa 17 puntos ng Green Archers.

“Even if it’s a draw, for us it’s a win already eh,” ani UST coach Marjo Allado.

Lamang ang Fighting Maroons 2-0, dahil sa maagang goal nina JB Borlongan at Sebastian Patangan bago tumabla ang Tigers sa pamamagitan ni Darwin Busmion na naka-goal sa ika-25 at ika-28 na minuto. Ibinalik ni Daniel Gadia ang kalamangan para sa UP sa ika-71 minuto.

Dahil sa panalo, nasa solong ikatlong puwesto na ang Tamaraws na mayroong 14 puntos kasunod ang Maroons na may 12 puntos. (Marivic Awitan)