NAYPYIDAW, Myanmar (AFP) – Inihalal ng mga mambabatas ng Myanmar nitong Martes ang close aide at matagal nang kabigan ni Aung San Suu Kyi upang maging unang civilian president ng bansa sa loob ng maraming dekada, isang makasaysayang sandali para sa nasyon na dating pinatatakbo ng junta.

Napanalunan ni Htin Kyaw, 69, ang 360 sa 652 boto sa dalawang legislative chamber ng Myanmar, nagbigay daan para siya magsilbing proxy para sa Nobel laureate na pinagbabawalan ng konstitusyon na maging pangulo.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'