ILOILO CITY -- Nagkasundo ang nag-oorganisa sa Ronda Pilipinas na LBC at LBC Express at City of Iloilo na itaguyod ang adhikain na mapaangat at palawakin ang programa sa paggamit ng bisekleta sa pagtatampok sa pinakamalaking karera sa bansa sa susunod na Iloilo Bike Festival.

Ang kasunduan ay binuo mismo nina Ronda Pilipinas Executive Project Director Jaideep “Mo” Chulani at pamahalaang lungsod ng Iloilo City, gayundin ang Private Group na kinatawan nina Sports Development Officer Jojo Castro at Ronald Bautista sa muling pagsasagawa ng karera sa kada taon na selebrasyon ng tampok na aktibidad sa lungsod.

“Actually, this is in part of the advocacy of the city and the private group to maximized use of bicycles as a means of transportation and to help in the preservation and conservation of our environment,” sabi ni Bautista. “Hindi naman sa ayaw natin na may mga sasakyan but also to promote healthy living with the use of bikes.”

Una nang ipinatupad ng Iloilo City ang pagbabawal sa paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar kung saan may kaakibat na multang P5,000 at posibleng pagkakakulong.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ipinaliwanag naman ni Castro na pangunahing adyenda sa Sanggunian ang pagpaprayoridad sa kalusugan ng mga mamamayan kung kaya isinasagawa nito ang mga aktibidad upang maipalaganap ang paggamit ng bisekleta lalo na sa isang linggong selebrasyon na ginaganap na nasa ikatlong taon na Iloilo Bike Festival.

“We are the first LGU to put up a Bike Council and we are set to conduct a Bike Convention to gather all stakeholders to set the direction ng cycling with regards on safety of bikers, to protect them and support on all bikers and to have activities for the promotions of cycling advocacy,” pahayag ni Castro.

Ipinaliwanag pa ni Bautista na pitong taon pa na magkakasama ang LBC at ang Iloilo City dahil sa kasunduan dahil kabuuang 10 taon ang kontrata ng siyudad at ang pribadong grupo para sa pagsasagawa ng aktibidad.

‘Partnering with LBC has always been a dream. It’s gonna’ be bigger as we partner for seven years para naman matulungan din natin ang LBC sa maraming paraan,” sabi pa ni Bautista. (ANGIE OREDO)