Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

2 n.h. -- Caida Tile* vs AMA University

4 n.h. -- BDO-NU vs Phoenix-FEU*

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

twice-to-beat

Tulad ng iba pang mga coach sa quarterfinals, walang ibang hangad si Caida Tile coach Caloy Garcia kundi makaiwas sa pagkasilat ang kanyang koponan tungo sa 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals .

Kinakailangan munang harapin ng Tile Masters ang AMA University, nananatiling isang malaking palaisipan sa kanilang mga katunggali sa liga, bago maisakatupan ng Caida ang minimithing slot sa Final Four.

Mgtutuos ang dalawang koponan sa unang laro ngayong 2:00 ng hapon sa San Juan Arena.

Sa pamumuno nina Jiovani Jalalon, Jason Perkins at Philip Paniamogan, nagsalansan ang Tile Masters ng limang sunod na tagumpay upang magtapos na No.2 seed sa nakaraang eliminations na may kaakibat na bentaheng twice-to-beat.

Bagamat malaking bagay ang nasabing bentahe, ayaw magkampante ni Garcia sa kanilang tsansa.

“We can’t afford to lose in the next round and give our opponents more confidence,” pahayag ni Garcia.

Nauna na nilang tinalo ang Titans sa elimination noong Enero 26 sa iskor na 103-84.Ngunit marami na ang nagbago mula noon.

“Maganda naman yung takbo ng team namin. We just have to work on our defense kasi yung offense naman namin, we’re good. We’re just looking on how to beat AMA and how to finish that in one game,” aniya.

Sa tampok na laban ganap na 4:00 ng hapon, halos hindi nagkakalayo nang paniniwala sina Garcia at Phoenix Petroleum coach Eric Gonzales.

“We need to prepare, respect the game, and respect them. We need to finish it sa Game 1 pa lang,” pahayag ni Gonzales, tungkol sa makakatunggali nilang NU-BDO.

Noong nakarang Pebrero 22 ay dinurog ng Accelerators ang Bulldogs, 90-74 ngunit hindi umano ito sapat ani Gonzales para maging kampante ang kanyang players.

“We can’t play relaxed in the quarters. We should play consistent basketball.”

Samantala, nakatakda nang maglaro para sa Accelerators sina Roger Pogoy at Raymar Jose na inaasahang magiging malaking tulong para kina Mac Belo, Mike Tolomia, at Ed Daquioag para sa kanilang kampanya sa playoffs.

(Marivic Awitan)