ISANG Palestinian na guro sa elementarya na lumaki at nagkaisip sa isang refugee camp at ngayon ay masugid na tinuturuan ang kanyang mga estudyante laban sa karahasan ang nagwagi ng $1 million na gantimpala dahil sa natatanging pagtuturo, tinalo ang 8,000 iba pang aplikante mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Iginawad kay Hanan al-Hroub, isang guro sa elementarya sa siyudad ng West Bank na al-Bireh, ang ikalawang taunang Global Teacher Prize sa isang seremonya sa siyudad ng Dubai sa United Arab Emirates.

Dumalo sa seremonya si Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum upang personal na iprisinta ang parangal kay al-Hroub, mali man o tama ang pagkakasambit ni Pope Francis sa pangalan ng guro sa video message ng Papa upang bigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon at ng mga guro, partikular para sa mga bata na lumaki sa mga bansang ginigiyagis ng digmaan.

“I feel amazing and I still can’t believe that the Pope said my name,” sinabi ni al-Hroub sa Associated Press. “For an Arab, Palestinian teacher to talk to the world today and to reach the highest peak in teaching could be an example for teachers around the world.”

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sinabi niya sa AP na gagamitin niya ang isang milyong dolyar na gantimpala upang maglunsad ng scholarship para sa mga karapat-dapat na estudyante upang mahimok silang piliin ang karera sa pagtuturo.

Ang pagkapanalo ni al-Hroub ay nangyari sa panahong tumitindi ang tensiyon sa pagitan ng mga Israeli at mga Palestinian. Ang limang buwan ng mga biglaang pananaksak, pamamaril, at pag-atake gamit ang mga sasakyan ng mga karaniwang sibilyang Palestinian, ay ikinasawi ng 28 Israeli at dalawang Amerikano. Nakapatay na rin ang puwersang Israeli ng nasa 179 na Palestinian, karamihan—ayon sa Israel—ay mga pasimuno sa pag-atake.

Habang tinatanggap ni al-Hroub ang kanyang parangal ay iwinawagayway naman ng mga manonood na Palestine ang watawat ng kanilang bansa at ang ilan ay umaawit ng, “With our souls, our blood, we sacrifice for you Palestine.”

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni al-Hroub ang kanyang pilosopiya sa buhay na “No to violence” at iginiit ang kahalagahan ng diyalogo.

“The Palestinian teacher can talk to the world now. Hand in hand we can affect change and provide a safe education to provide peace,” sinabi niya sa AP.

Kabilang si al-Hroub sa 10 finalist na inimbitahan sa Dubai upang dumalo sa seremonya. Ang siyam na iba pang finalist ay nagmula sa Australia, Finland, India, Japan, Kenya, Pakistan, Britain, at dalawa ang mula sa United States. Kasama siya, pinahilera sila ni al-Hroub sa entablado at dumagundong ang palakpakan ng mga manonood pagkatapos ng kanyang talumpati.

Itinatag ang Global Teacher Prize dalawang taon na ang nakalipas upang bigyang pagkilala ang mga natatanging guro na nagdulot ng mga katangi-tanging kontribusyon sa propesyon, gumagamit ng mga naiiba at makabagong paraan ng pagtuturo, at hinihimok ang iba na mapabilang sa propesyon ng pagtuturo.

Ang parangal ay ipinagkaloob ng Varkey Foundation. Ang nagtatag nito, ang Sunny Varkey, ang nagtayo ng for-profit na kumpanyang GEMS Education, na may mahigit 130 eskuwelahan sa mundo. (Associated Press)