Lebron James

Sisimulan ng U.S. basketball team ang kampanya sa Olympics sa Rio, Brazil laban sa China.

Kasama rin ng NBA Stars sa Group A, ipinapalagay na pinakamahinang grupong nakasama ng US matapos ang isinagawang draw lots nitong Biyernes, ang Venezuela at Australia.

Makakasama rin sa grupo ang dalawang koponan na magmumula sa huling tatlong qualifying tournament sa Hulyo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magkakasama naman sa Group B ang Spain, Argentina, Lithuania, host Brazil, Nigeria at isang July qualifier.

Tangan ng U.S., kampeon sa Olympic sa huling dalawang Games, ang No. 1 ranking, kasunod ang Spain, Lithuania at Argentina. Nasa ika siyam na puwesto ang Brazil.

Wala naman sa top 10 ang Australia, China at Venezuela, pumasok sa quadrennial meet dahil sa pagwawagi sa regional zone championship.

Kabilang sa malalakas na koponan tulad ng France, Serbia at Greece ang kabilang sa lalaro sa qualifier sa Hulyo 4-10.

“So we know that they’ll not only be excellent teams, but they will already be on a roll when they get to the Olympics,” pahayag ni U.S. coach Mike Krzyzewski.

“We know that repeating as gold medalists at the 2016 Olympics will be a challenge, and that’s what makes winning a gold medal such an amazing accomplishment.”

Isinagawa ang draw sa FIBA headquarters sa Mies, Switzerland.

Magsisimula ang Olympic basketball sa Agosto 6.