Inamyendahan ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang kasalukuyang regulasyon na nagpipigil sa nasuspindeng jockey na makasakay habang dinidinig pa ang kanyang apela.

 Batay sa inamyendahang Philippine racing rule (PR) 29-F, nakasaad ang katagang “a suspended jockey shall still be allowed to ride if he has already been declared for a race prior to his suspension.”

Naging epektibo ang pag-amyenda rito noong Marso 2 sa ilalim ng Resolution 23-16 sa pamamagitan ng pagdagdag sa pangungusap na “or in case he has appealed his suspension.”

 Sa Section 1 ng nasabing regulasyon, pinapayagan ang mga jockey, na nasuspinde ng may 12 araw, na makasakay kung idedeklara ng kanilang trainer at horse owner na inaapela nila ang kaso laban dito.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sa bagong amyenda, inaaalis ang haba ng suspensiyon para maisakatuparan ang deklarasyon para makasakay muli ang jockey.

Matagal nang isinusulong ng jockeys association ang pagbabago sa ilang regulasyon batay na rin sa ipinapatupad na parehong programa sa Amerika.

“After a careful and thorough study of cases that fell under this rule, in the interest of fairness we decided to make the amendment,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.