Patay ang tinaguriang “most wanted person” sa Subic, Zambales at dalawa niyang kasamahan matapos umanong makipagbarilan sa police team, kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Director Victor Deona, hepe ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection System (PNP-CIDG), na sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa ang tatlong suspek, na nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal.

Kinilala ng pulisya ang napatay na “most wanted” ng Subic na si Reggie Calledo.

Sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng korte para sa kasong homicide, sinabi ni Deona na dadamputin sana ng pulisya ang suspek nang manlaban ang kanilang grupo sa hideout ng mga ito sa Sitio Bukid, Barangay Calapacuan, Subic.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Bigo naman ang pulisya na matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang kasamahan ni Calledo na napatay din sa insidente.

Nabawi ng pulisya sa mga napatay ang isang M-16 rifle, isang .9mm automatic machine pistol, mga magazine at bala.

Kilala rin sa alyas “Matar” sa Subic, sinabi ni Deona na sangkot din si Calledo sa ilegal na droga. - Aaron Recuenco