MARAMI sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang halalan, sa kabila na ito ang pinakamaruming labanan ng mga sirkero at payaso sa pulitika sa ating bansa, ay masasabi ring mukha ng demokrasya at kalayaan. Ang dahilan: ang mga Pilipino na may karapatang bumoto ay nakapipili ng mga kandidato na para sa kanila ay matapat, maaasahan at mapagkakatiwalaan. Ang halalan ay may mga anyo at mukha.

Hindi maiiwasan na mabahiran ng pandaraya dahil lumulutang na ito sa simula pa lamang ng election period at pangangampanya ng mga nagnanais na maging pangulo, bise presidente, mga senador at mga congressman ng bawat lalawigan. At pagdating sa sa lokal na pamahalaan, naglalaban-laban naman ang mga governor, vice governor, mga provincial board member, mayor, vice mayor at miyembro ng Sangguniang Bayan.

May mga naniniwala naman na ang halalan ay tamang pagkakakaon para ang mga pinunong sinungaling, sakim sa kayamanan, at tulisan ay mapatalsik na sa katungkulan at matuldukan ang kanilang pananamantala.

Sa Pilipinas, tuwing ikatlong taon ay nagdaraos ng halalan. Ang ating mga kababayan sa kani-kailang bayan at lalawigan ay naghahalal ng mga lokal na opisyal at 12 senador tuwing mid-term election. At makalipas ang tatlong taon, ginaganap naman ang local at national election. Katulad ngayong 2016, isasagawa sa Mayo 9 national elections.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Lima ang kandidato sa pagkapangulo at anim naman ang kandidato sa pagka-bise presidente. At bago pa man magsimula ang election fever, marami na ang kumuwestiyon sa kredebilidad ng ilan sa mga kandidato sa pagkapangulo.

Ilan sa mga ito ay pagbubunyag sa malawakang ari-arian ng isang kandidato at ang anomalya sa pagpapagawa ng umano’y overpriced na gusali sa Makati City.

Habang ang isa namang kandidato sa pagkapangulo, na madalas manguna sa survey, ang diniskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng kanyang citizenship at residency. Ngunit, kamakailan lamang ay binaliktad ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Comelec. Pinaboran ang kandidato sa botong 9-6. Tuwing panahon ng halalan ay nakikilala kung sino sa mga kandidato ang nakahilata sa kayamanan at suportado ng malalaking negosyante at kapitalista dahil mapapansin ito sa kanilang infomercial at political ads sa radyo at telebisyon.

At habang nalalapit na ang halalan, magmamasid lamang ang sambayanang Pilipino kung anu-ano pang mukha at anyo ng halalan ang maaaring maganap lalo na sa kasagsagan ng kampanya. (CLEMEN BAUTISTA)