volley1

Ni Marivic Awitan

Tumatag ang katayuan ng defending champion Ateneo de Manila nang maiposte ang 26-28, 25-23, 25-21, 25-17 para sa kanilang ikasiyam na panalo sa loob ng 10 men’s division ng UAAP Season 78 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Nagtala ng 19 na hit, apat na block at dalawang service ace ang reigning back-to-back MVP ng liga na si Marck Espejo upang pangunahan ang nasabing panalo na nagpatibay sa kanilang kampanya na mapanatili ang korona.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kapwa naman nagtala ng tig-17 puntos sina James Natividad at Bryan Bagunas upang pangunahan ang Bulldogs na bumaba sa ikatlong puwesto sa team standings taglay ang barahang 6-4.

Nauna rito, ipinalasap ng University of the Philippines ang ika-10 sunod na pagkabigo sa University of the East makarang walisin ang huli, 25-9, 25-22, 25-19.

Dahil sa panalo, umangat ang Maroons sa patas na barahang 5-5.

Nagtapos na topscorer para sa Maroons si Gerald Valbuena na nagtala ng 13 puntos kasunod si Wendell Miguel na may 11 puntos habang nanguna naman sa Red Warriors si Ruvince Abrot na may 11 puntos.

Sa women’s division, binawian ng L a Salle ang kanilang first round tormentor University of Santo Tomas,25-11, 25-13, 25-17 upang muling tumabla sa Ateneo sa liderato (7-2).

Nagtala ng 12 puntos si Kim Dy para pangunahan ang Lady Archers. Laglag naman sa 4-5 marka ang Tigreses kapantay ng National University sa barahang 4-5.