BEIJING (Reuters) – Plano ng China na magtatag ng isang “international maritime judicial center” upang matulungang protektahan ang soberanya at karapatan ng bansa sa karagatan.

Naglahad ng ulat sa taunang pulong ng parlamento kahapon, sinabi ni Chief Justice Zhou Qiang na nagtutulung-tulong ang mga korte sa China upang magpatupad ng isang pambansang estratehiya na magsusulong sa China bilang isang “maritime power”.

“(We) must resolutely safeguard China’s national sovereignty, maritime rights and other core interests,” aniya. “(We) must improve the work of maritime courts and build an international maritime judicial center.”

Matagal nang may tensiyon ang China sa Japan sa pag-angkin sa maraming isla sa East China Sea, habang inaangkin din ang halos buong South China Sea, na may teritoryo rin ang Pilipinas, Taiwan, Malaysia, Vietnam, at Brunei.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina