Pinayuhan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang nagsipagtapos at iba pang first-timer sa paghahanap ng trabaho, gayundin ang semi-skilled OFW returnees, na lumahok sa sektor ng information technology-business process management (IT-BPM) na mas malaki ang suweldo kaysa entry-level wages, kumuha ng karanasan, at pagkatapos ay pagplanuhan ang career.
“Some say there are no jobs in the country. Wrong. In the IT-BPM sector alone, industry players target 1.19 million direct employments this year,” ani Baldoz.
Ayon sa kalihim, sa IT-BPM contact center pa lamang ay nasa 225,000 trabaho na ang iaalok ngayong taon, habang tatanggap naman ang health outsourcing subsector ng 100,000 manggagawa ngayong 2016.
Mina Navarro