Ang 2016 UFCC Cock Circuit ay magpapatuloy bukas sa Pasay City Cockpit sa paglalatag ng 6th leg One-Day 6-Cock Derby na inaasahang magiging kapana-panabik at puno ng aksiyon tampok ang mga pinakamahuhusay at pinakamatatapang na mananabong ng bansa.

Ang bagong World Slasher Cup champion na si Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Gamefarm) ang nangunguna sa labanan para sa 2016 UFCC Cocker of the Year, na may iskor na 20 puntos, matapos na magbulsa ng isang kampeonato at dalawang magkasunod na runner-up finish.

Nasa ikalawang puwesto naman ang 2015 World Slasher Cup winner na si Gerry Ramos (AAO Striker) na may 19.5 puntos, na sinusundan ni Joey delos Santos (San Roque) na may 19 puntos.

Ang 3rd at 5th Leg champion na si Jojo Cruz (JTC Kaingin) ay nasa ikaapat na puwesto sa iskor na is 18.5, habang si Dorie Du ng Davao ay nasa ikaanim na may 18 puntos kasunod sina Dong Chung (D Pakners) at Gov. Eddiebong Plaza (EP RJM Roosterville) na sosyso sa ikapitong puwesto na ay parehong 17 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Handog ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2016 UFCC Cock Circuit ay itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP & Thunderbird Platinum, Sagupaan, Solaire Resorts & Casino at Resorts World - Manila.

Ang listahan ng mga maglalaban ay kinabibilangan din nina Atong Ang, Gerry Ramos , Engr. Sonny Lagon, Allan Syiaco, Andy Ong (Adza Gamefarm), Anthony Lim, Arman Santos, Art Atayde & Teng Ranola, , Atty. Astorga, Nad Mendoza, Baham Mitra, Gov. Claude Bautista, Bebot Roxas, Cong. Panganiban, Cong. Unabia, Dong Chung, Danny Soraino & Magno Lim, Dorie Du, Nelson Uy, Eddie Boy Villanueva, Eddie Gonzales, Engr. Celso Salazar, Eric dela Rosa, , Gerry Teves, Homer, Joey delos Santos, Ka Luding Boongaling, Ramon Atayde, Rey Briones, Ricky Magtuto, RJ Mea, Engr. Tony Marfori, Edwin Tose at ang Pleasant Group.