Pinalawig ng Korte Suprema ang utos nito na ihinto ang paglilitis ng Sandiganbayan First Division sa kasong plunder ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Ito ay sa pamamagitan ng resolusyon ng Supreme Court en banc, na may petsang Marso 8, 2016, na nagpapalawig pa ng 60 araw sa status quo order na ipinalabas nito noong Oktubre 20, 2015.
Ito na ang ikalawang beses na pinalawig ng Korte Suprema ang status quo ante order na pumigil sa pag-usad ng pagdinig ng Sandiganbayan sa P366-milyon anomalya na kinasasangkutan ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Tatagal ang panibagong status quo ante order hanggang sa Abril 20, 2016.
Nabatid na hiniling ng kampo ni Arroyo, sa pamamagitan ng abogado niyang si Atty. Estelito Mendoza, na palawigin ang pagpapatigil sa pagdinig ng kasong plunder laban sa dating pangulo. (Beth Camia)