MAGTATANGHAL sina Renz Verano at ang Sassy Girls sa awarding ng 2016 Manila Bay Seasports Festival na gaganapin sa Marso 20, alas siyete ng gabi sa harap ng Rajah Sulayman Park sa Baywalk, Roxas Boulevard, Manila.

Handog ng Manila Broadcasting Company at ng Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Manila Bay Summer Seasports Festival ay magsasagawa ng paligsahan sa Dragon Boat Racing at stock/formula races ng mga bangkang de-motor.

Ang ilan sa mga koponang kalahok sa Dragon Boat Mixed-Open championships ay ang Bruins, UP Alumni, EAM Events Paddling Interactive Crew, Adamson University, NTMA Dragons, Manila Ocean Park, Philippine Wave Warriors, Maharlika Drakon, Dragons Republic Paddlers, One Piece Drakon Sangers, Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Air Force, Philippine Coast Guard, Triton A & B, RCP Sea Dragons, at Amateur Paddlers Philippines.

Nakatala naming lalahok ang batikang mga bangkero mula Rizal, Bataan, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, La Union, Quezon, Ilocos Sur at Navotas.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Ang 2016 Manila Bay Seasports Festival ay suportado ng Cobra Energy Drink, Kremtop, The Generics Pharmacy, Executive Optical, Revicon, M. Lhuiller, My Juiz, White Castle, at Herco Trading Corporation.