Binalaan ng Southern Police District ang publiko sa pagkalat ng mga pekeng pera kasunod ng pagkakaaresto sa apat na indibidwal sa bayan ng Pateros.

Nahaharap sa kasong paglabag sa money counterfeiting ang mga suspek na sina Arnold Ayubal, 48, may asawa; Maribel Vasquez, 48; Edgardo de Castro, 49, hairdresser, pawang residente ng No. 61 MP Cruz St. Barangay Ususan, Taguig City, at isang menor de edad, ng Bgy. San Pedro, Pateros.

Dakong 7:15 ng umaga nitong Huwebes, nagpapalit ang 15 anyos na suspek ng P500 at P1000 bill sa biktimang si Susana Rivera, 61, sa F. C. Tuazon St. Bgy. Tabacalera, Pateros. Napansin ni Rivera na peke ang perang ipinapalit sa kanya ng bata at kaagad na nagsumbong sa mga opisyal ng barangay.

Sa follow up operation ng Pateros Municipal Police Station-Intel Section, naaresto ang menor de edad at ang tatlong kasabwat nito sa Bgy. Ususan, Taguig City. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji