ANG buwan ng Marso, bukod sa panahon ng tag-araw ay buwan din ng pagmartsa ng mga estudyante sa ilang mga paaralan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. At para sa pamilyang Pilipino, ang graduation sa anumang antas; pre-school, elementary, high school, at kolehiyo ay dapat ipagdiwang sapagkat para sa mga magulang, ang graduation ang pinakamasayang okasyon dahil isa itong tagumpay ng kanilang mga anak kung saan umaakyat ang mga ito sa entablado upang tanggapin ang kanilang diploma na magsisilbing katibayan na sila ay nakatapos.

At sa mga mag-aaral, ang graduation ay isang makahulugan at makulay na yugto ng kanilang buhay. Sa mga mag-aaral sa high school, katuparan ng kanilang pangarap na makapagpatuloy sa kolehiyo at tuklasin ang karunungang hangad nilang makamit pagdating ng panahon. Sa mga mag-aaral naman sa kolehiyo, ang graduation ang simula ng panibagong landas na kanilang tatahakin sa realidad ng buhay. Kung susuwertehin, makapaglilingkod sa magulang, bayan at pamayanan.

Ngunit ngayong 2016, dahil sa pagpapatupad ng Kto12 program ng Department of Education (DepEd), libu-libong mag-aaral sa high school at elementary ang hindi makapagtatapos. Batay sa Kto12 program ng DepEd, may karagdagang dalawang taon ang magtatapos ng Garde 10 o fourth year high school. Bininyagan sa tawag na Senior High School (SHS).

Dahil dito, sa school year 2016-2017, mawawalan na ng enrolment ng first year college sa mga unibersidad. Malaking kalugihan ang ibubunga nito at maraming guro rin ang mawawalan ng trabaho sapagkat walang tuturuang first year college student.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bilang kapalit ng graduation, sa halip na magtapos sa secondary level, ang mga Grade 10 ay tatanggap na lamang ng kanilang “Junior High School (JHS) certificate sa “Moving Up o Completion Ceremony” bilang paghahanda sa pagpasok nila sa Grade 11 o sa unang taon ng SHS.

Batay sa DepEd Order No. 7 Series of 2016, ipinahayag nito (DepEd) na ang lahat ng “Completion Ceremony” ay itinakda sa Abril 1, 2016 at ang nasabing petsa ang katapusan ng school year sa public at private elementary at secondary school sa buong bansa.

Simula pa lamang noon ay marami na ang tumututol sa nasabing programa at kabilang na rito ang ilang mahuhusay na educator, lalo’t higit ang mga magulang ng mga mag-aaral sa high school. Ayon sa mga magulang, nahihirapan na nga sila sa apat na taong pagpapaaral sa kanilang mga anak, ay nadagdagan pa ng dalawang taon. Mapipilitan silang sabihin na “pahinga muna anak”.

May mga educator naman na nagsasabing ang Kto12 program ay isang masamang bunga ng pag-iisip at pag-aaral ng mga matatalinong bugok sa Kagawaran ng Edukasyon. (Clemen Bautista)