NAGSASAWA na ang isang lalaki sa kapapasok sa trabaho habang ang kanyang misis ay nasa bahay lang. Nais niyang maramdaman ng misis niya ang mga paghihirap na dinaranas niya kaya’t ipinagdasal niya na, “Panginoon, pagpalitin n’yo nga po ang katawan namin ng asawa ko at ang aming mga responsibilidad.”

Kinaumagahan, nagising ang lalaki bilang isang babae, nagluto siya, naghain at pinakain ang buong pamilya, inihatid ang mga anak sa eskuwelahan, naglaba at namalantsa, namalengke, binalanse ang mga gastusin, nilinis ang bahay, at nagluto ng hapunan.

Matapos maghapunan, nilinis niya ang kusina. At pagsapit ng gabis, kahit pagod na pagod ay nilambing pa rin ang asawa.

Kinabukasan, inamin niya sa Panginoon ang kanyang pagkakamali at hiniling na ibalik na sila sa dati.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sumagot ang Panginoon at sinabing, “Ok, pero kailangan mo pang maghintay ng siyam na buwan. Dahil nabuntis ka kagabi!”

Makikita sa istorya ang hirap na dinaranas ng mga babae. Nitong Marso 6 ay ipinagdiwang ang International Women’s Day at ang buwan ng Marso ay para sa mga kababaihan.

Hayaaan niyong banggitin ko ang ilang isyu na kinakaharap ng kababaihan ngayon.

Sa “gender equality,” hindi magkakaroon ng patas na pagtuturing sa pagitan ng mga lalaki at babae dahil lamang sa kanilang pagkakaiba pagdating sa physical, biological, emotional, at psychological na aspeto.

Halimbawa, ang babae ay binuo upang magdalantao at magpasuso na hindi kayang gawin ng mga lalaki.

Ang gawaing bahay ay para sa mga babae, pero hindi ibig sabihin nito na hindi na gagawa ng gawaing bahay ang lalaki.

Kailangan ay hati sila.

Pagdating sa “gender discrimination,” normal nang maging “palikero” ang mister o magkaroon ng anak sa iba’t ibang babae.

Ngunit kapag ang babae ang nagkaroon ng anak sa iba’t ibang lalaki ay kahiya-hiya. Ito ay hindi patas kahit noong panahon ni Kristo, nabasa natin sa Ebanghelyo na ang babaeng nahuling nakikiapid ay papatayin sa pamamagitan ng pagbabato ng bato. (St. John 8, 1-11).

Maraming mabibigat na parusa sa ating bansa na nagsisilbing proteksiyon ng mga kababaihan mula sa pagmamaltrato, pang-aabuso at pagbebenta ng katawan, ngunit magiging kapaki-pakinabang lamang ito kapag mahigpit na itong ipinatupad. (Fr. Bel San Luis, SVD)