Pinakinabangan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kapangyarihan ng wireless communications technology upang palawakin ang conservation efforts nito sa mga protected area (PA) sa buong bansa.

Inilunsada ng ahensiya nitong Huwebes ang web-based mobile application na tinatawag na Lawin Forest and Biodiversity Protection System (LFBPS) na magkakaloob ng tumpak na impormasyon tungkol sa estado ng mga PA na sakop ng Republic Act No. 7586, o ng National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act.

Bibigyan ng kapangyarihan ng LFBPS ang mga park ranger at planner na makuha ang mahahalagang impormasyon sa mismong oras na ibahagi ito sa kanilang natagpuan sa field, at magpapahintulot sa wildlife authoritied ng ng mabilis na pagkuha ng impormasyon sa daan-daang protected species at resources na maaaari nilang gamitin sa pagkilala at pagpaparusa sa wildlife crime.

Ikinalugod ni DENR Secretary Ramon J.P. Paje ang application na isang paraan para mapabilis ang wildlife conservation efforts ng bansa.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

“Technology and its applications, like the LFBPS, will surely allow us to cope with the different challenges the environment faces. We see it as a way for us to come up with better ways to reverse environmental degradation and biodiversity loss, and at a faster pace,” aniya.

Ginanap ang debut ng mobile app sa Fuyot Spring National Park (FSNP) sa Ilagan City, Isabela, isa sa mga local government unit na sumasakop sa 360,000-ektaryang Northern Sierra Madre Natural Park (NSMNP), ang pinakamalaking protected area sa bansa.

Ang launching rites ay pinangunahan ni DENR Undersecretary for Field Operations Demetrio Ignacio at Isabela Gov. Faustino Dy, na sinaksihan din ang paglalagda sa guidelines at mechanics para sa pambansang pagpapatupad sa proyekto nina Forest Management Bureau Director Ricardo Calderon at Biodiversity Management Bureau Director Mundita Lim.

Ang Project Lawin ay dinebelop ng DENR at ng Biodiversity and Watersheds Improved for Stronger Economy and Ecosystem Resilience (B+WISER) Program ng United States Agency for International Development (USAID).

Sinimulan ang pilot testing ng proyekto noong 2015 sa FSPN at pitong B+WISER project sites, na sumasakop sa total area na 442,000 ektarya.

Ang iba pang pilot sites ay ang NSMNP sa Region 2; Kaliwa-Upper Marikina Watersheds sa Tanay, Rizal at General Nakar sa Quezon province; Naujan Lake National Park sa Oriental Mindoro; Quinali “A” Watershed sa Albay; Bago Watershed Forest Reserve sa Negros Occidental; Mt. Kitanglad Natural Park sa Bukidnon; at Mt. Apo Natural Park sa Southern Mindanao.

May 670 wildlife worker, na binubuo ng mga resource at data manager at community monitor na karamihan ay mga katutubo, ang sinanay sa panahon ng pilot testing. (PNA)