May panibago na namang oportunidad ang mga naghahanap ng trabaho para makapasok sa kanilang dream job sa isa pang bahagi ng serye ng Manila Bulletin (MB) “Classifieds Job Fair” na gagawin sa Robinsons Place Manila sa Marso 15-16, Martes at Miyerkules.

Sinabi ni MB Assistant Manager for Classified Advertising Edna Perlada na handog sa mga aplikante ang mga karaniwang aktibidad at serbisyo sa mga nakaraang job fair ng Manila Bulletin.

“We will be featuring career talks from speakers who are human resource practitioners,” aniya.

Ang huling MB job fair na ginanap sa TriNoma Activity Center sa Quezon City noong Pebrero 23-24, na may 52 exhibitor, ay dinumog ng mahigit 1,000 job seeker, at maraming kuwalipikadong aplikante ang on-the-spot na nagkatrabaho.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

“The number of those employed has been increasing,” ani Perlada. “Last February, [there were around] five event organizers that held their own job fairs, competing with MB. But so far, MB still consistently conducts more quality job fairs.”

Dahil naging matagumpay, muling gagamit ng online registration scheme ang Manila Bulletin sa MBclassifiedJOBS.com portal.

Katuwang sa panibagong job fair ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Social Security System (SSS), PhilHealth, Pag-IBIG Fund, at Department of Labor and Employment (DoLE). (Monch Mikko E. Misagal)