Naaktuhang sumisinghot ng shabu ang walong katao, kabilang ang dalawang babae, sa “one time, big time operation” na ikinasa ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Muntinlupa City Police sa lungsod, nitong Biyernes ng gabi.
Nakakulong na sina Arnel Esteves, 35, ng Purok 4, Barangay Alabang; Arjay Daguio, 24; Manolito Bunyi, 44, ng Bgy. Alabang; Richard Baring, 36; Henry Cris Main, 42; Oswald Gonzaga, 44, pawang nakatira sa Purok 4, Bgy. Alabang; Edna Lopera, 54, ng Purok 2, Bgy. Alabang; at Jessa Marie Ebrada.
Sa ulat na tinanggap ni Muntinlupa Police chief, Senior Supt. Nicolas Salvador, dakong 7:45 ng gabi nang ikasa ng awtoridad ang operasyon na target si Esteves, kaya sinalakay ang bahay na sinasabing ginawang drug den sa Purok 4.
Naaktuhang nagpa-pot session ang mga suspek sa loob ng bahay, at narekober ang 20 plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkahahalaga ng P80,000, at drug paraphernalia. (Bella Gamotea)