Nasa 47 boarding house at dormitoryo sa Quezon City ang dumaan sa inspeksiyon ng pamahalaang lungsod at ng Bureau of Fire Protection (BFP) ngayong buwan, alinsunod na rin sa direktiba ni Mayor Herbert Bautista tungkol sa taunang inspeksiyon sa mga gusali sa lungsod.

Ayon kay Engr. Isagani Versosa, opisyal ng pamahalaang lungsod, 28 boarding house sa Barangay Krus na Ligas ang natukoy na may paglabag sa Building Code, at inendorso ang legal action ng Inspection Adjudication Division (IAD) laban sa mga ito.

Samantala, 19 na boarding house naman sa mga barangay ng Pasong Tamo, Batasan Hills, Fairview, Commonwealth at Damayang Lagi ay pinakukumpleto ni Engr. Rodel Mesa, building inspector, ang kulang sa ilang requirements, gaya ng fire exit.

Dahil dito, binalaan ni Versosa ang may 500 boarding house at dormitoryo sa siyudad na nainspeksiyon ng pamahalaang lungsod na tumupad sa Building Code at sa mga requirement para hindi makasuhan at hindi maipasara ang kanilang negosyo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi naman ni QC Fire Marshall Senior Supt. Jesus Fernandez na mahigit 30,000 business establishment ang naisyuhan ng Fire Inspection Certificate (FIC) ng BFP sa pagtupad ng taunang inspeksiyon para maiwasan ang sunog. (Jun Fabon)