Isinailalim ng Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (Comelec) sa election watchlist ang 22 bayan sa Lanao del Norte.

Sinabi ni Supt. Sukrie Serenias, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-10, na nakitaan ng pulisya at ng poll body ng mainitang presensiya ang magkakalabang pulitiko at iba’t ibang armadong grupo sa lalawigan.

Bukod dito, nasa watchlist din ang 16 na bayan sa Bukidnon, siyam na bayan sa Misamis Occidental, at siyam din sa Misamis Oriental.

Iniulat din ni Serenias na umabot na sa 11,350 ang inilunsad na checkpoints ng pulisya sa buong rehiyon.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nag-deploy na rin sila ng 245 checkpoint sa anim na bayan ng Lanao del Norte.

Umabot naman sa 76 na baril, na kinabibilangan ng 35 long firearm at 41 short firearms, ang nakumpiska sa check point sa buong rehiyon.

Nadakip naman ng PRO-10 ang 39 na katao dahil sa paglabag sa Comelec gun ban mula pa noong Enero 10. (Fer Taboy)