Arestado ng mga operatiba ng Regional Police Intelligence Operation Unit (RPIOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dalawang tauhan ng akyat-bahay na Calauad Group na nanloob at nagnakaw sa bahay ng isang pulis sa Bicutan, Taguig City, iniulat kahapon ng pulisya.

Kinilala ni NCRPO Chief Director Joel D. Pagdilao ang mga suspek na sina Ramil Valdez, 35; at Reggie Crisologo, 25, kapwa taga-Banal Compound, Manuel Quezon Avenue sa Lower Bicutan.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng RPIOU sa Camp Bagong Diwa ang mga suspek, na kinasuhan na rin sa Prosecutor’s Office ng Taguig City.

Base sa report, dakong 4:00 ng umaga nitong Biyernes nang arestuhin ng mga operatiba ng RPIOU sina Valdez at Crisologo sa panloloob sa bahay ni PO1 Raygene Cornelio sa Lower Bicutan.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nabawi sa mga suspek ang .9mm service firearm at P50,000 cash na nakumlimbat nila.

Napag-alaman na ang mga suspek ay miyembro ng sindikatong Calauad Group na kumikilos sa Metro Manila. (Jun Fabon)