Ikakasa ni interim WBA titlist Randy Petalcorin ang 10-round non-title bout laban kay Omari Kimweri ng Tanzania para mapatatag ang kapit sa world ranking sa Abril 15 sa The Melbourne Pavilion, Flemington, Victoria, Australia.

Target ng Pinoy, interim title holder nang patulugin si Panamanian Walter Tello sa Shanghai, China, na mapalawig ang kanyang katayuan sa international ranking sa pakikipagsagupa sa Tanzanian rival.

Matagal nang naghihintay sa world title bout si Petalcorin pero ayaw pang ideklara ng WBA ang unification bout nila ni Japanese Taguchi.

Dalawang Pilipino pa lamang ang nakakalaban ni Kimweri kung saan pinatulog siya ng nakabase rin sa Australia na si Ernie Gonzales Jr. bago nakabuwelta sa 8-round unanimous decision kay Roberto Lerio.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Huling naidepensa ni Petalcorin ang kanyang titulo via TKO sa ika-anim na round kontra Chinese Yi Ming Ma noong Abril 24, 2015 sa Beijing China. Tangan niya ang 23-1-1 karta, tampok ang 18 TKO.

Malaki ang mawawala kay Petalcorin kung matatalo kay Kimweri na may 15-3-0 karta dahil nakalista siyang No. 1 sa WBA, No. 7 sa WBO at No. 11 sa IBF sa light flyweight world rankings. (Gilbert Espeña)