Hindi maaapektuhan ng matinding El Niño phenomenon ang Angat Dam sa Bulacan.

Paliwanag ni Richard Orendain, hydrologist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naitala kahapon ang 204.62 water level sa dam.

Aniya, maaari pa itong bumaba sa 184.79 meters sa susunod na mga araw. Sinabi ni Orendain na kapag nagpatuloy ang madalang na pag-ulan ay posibleng bumaba pa sa 180 meters—critical level nito—ang tubig sa dam pagsapit ng Hunyo.

Kaugnay nito, umapela ang PAGASA sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig, dahil sa kalagitnaan pa ng taon mawawala ang epekto ng El Niño sa bansa. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?